Wednesday, August 19, 2009

DILAW-LAW

Ayon sa isang blogs ng stumblerz.com, "Yellow has always been associated with treachery, cowardice, jealousy, and inconsistency". Ibig sabihin nito panay pagtataksil, backstab, walang pagtitiwala,pagkainggit at higit sa lahat, ang dilaw daw ay sumisimbolo sa kaduwagan.


Sa kasaysayan daw, ang "medieval star" na may dilaw na kulay ay sumusimbolo ng pagtraydor ng mga Hudyo kay Bro; na pinagpatuloy gamitin ng mga Nazis noong panahon ng World War. Ang dilaw din daw ang peyborit na kulay ng ating Pandaigdigang Makapili na si Judas Iscariot o mas kilala sa palayaw na Hudas. E malay ba natin kung talagang kikay lang siya pumorma nung mga panahon na yun...Di pa ata uso ang pink kaya ito ang alternatibong shade na pinili nya...Hmm, teka yung salakot kaya ng ginamit ng mga Maka Pili noong panahon ng Japon e kulay dilaw? O yung underwear na suot ni Emilio Aguinaldo nung nagbigay siya ng Warrant of Arrest kay D to the R to the E Bonifacio, kulay Yellow din?



Sa France, ang pintuan ng mga kilalang nambabackstab ay pinipinturahan ng dilaw na kulay; Sa Espanya naman sapilitang pinagsusuot ng dilaw na damit ang mga biktima ng Inquisition; mga taong nagbibigay ng maling opinyon, umuusig at mga kumokondena sa turo at doktrina ng Romano Katoliko. Para silang cheering squad ng LA LAKERS habang pinapahirapan, pero atleast naka uniform sila bago mamatay... Nauso din ang katagang "Yellow Dog", noong talikuran ni Senator Tom Heflin ng Alabama ang kanyang kapwa Democrat na si Governor Al Smith ng New York bilang Presidente ng Amerika sa panahon ng Hoopla, noong 1928 Elections. Sa halip na kabaro ang suportahan, bumalimbing ito at kumampi sa katunggaling partidong Republican na si Herbert Hoover. Dito na nagsulputan ang kasabihang "I'd vote for a yellow dog if he ran on the Democratic ticket"...Siguro kung dito sa Pilipinas nauso ang Yellow Dog na yan e madaming bibigyan ng bansag na ganyan. Naalala ko nga pala yung pelikula sa Disney. Yung 101 Dalmatians? Kaso meron ng ganung title at mas marami yung nandito sa atin. Ibahin natin kaya...Pwedeng


"Republic of the Philippines Productions presents: The 24 Yellow Pitbulls and 250 Yellow Bulldogs..."


Swak na swak dito yan sa Pinas, kasi marami dito sa mga politiko natin ang naglilipatan ng partido pagkatapos nilang siraan kung saan sila galing. Parang aso nga, pag sumuka e kakainin din nila yung mga sinabi magkaroon lang ng bagong amo at makasali lang sa bagong grupo o partido...Mga "chuchu" at "tuta" sa madaling sabi. Pero itong mga aso na ito e may mga pinagaralan, matataas ang estado sa buhay hindi lang basta sit, stand, roll over at play dead forever ang natutunan nila. Pero hindi sa Pinas uso ang duwag, backstab, walang pagtitiwala at trayduran ng kulay ng Dilaw. Ang kulay na ito ay busilak at nagniningning nang ito'y ginamit na simbolo ni Ginoong Ninoy Aquino na siyang sinundan ng kanyang butihing asawa na si Corazon Aquino habang sila'y nakikipaglaban paras a karapatan ng bawat Pilipino at para sa kinabukasan ng bayan. Sila ang mga taong nagbigay ng ibang anyo sa dilaw na karuwagan. At hindi lang itong sinasabi ko ha? slight differenceVast at huge difference talaga ito...As in big deal...Kasi, nakilala ang katapangan ng kulay dilaw at hinangaan sa ano mang panig ng mundo.


Wala naman silang supernatural powers para mahali
n sila ng mga libo-libong Pilipino diba? Mas astig pa sila kay Superman, Batman, Spiderman, Kumander Bawang, at Petrang Kabayo. Kasi yung mga yun, mga nahihiyang ipakilala ang mga tunay na sarili, tinatago ang tunay na pagkatao (nagdidisguise para daw hindi madamay yung mga mahal nila sa buhay...e kilala naman sila ng mga kalaban nila personally...di ba malaking katangahan yun?)Mga peke, kathang isip-lang kasi...Pero yung mag-asawang Aquino...Totoo, hindi drawing, walang bahid ng kasinungalingan at kamalabisan. Simple at payak na lider pero pinaglalaban ang katwiran... Saksi ang lahat sa matinding pakikidigma nila alang-alang sa Bayan. At pati ang dalisay nilang pagmamahalan sa isa't isa at sa bansa ay sadyang kahanga hanga. Sabi nga...


"they are only simple people who were involved in extraordinary events and circumstances.."


Ang hirap nun at napakaimposible di ba? Kasi naiba nila Ninoy at Cory ang kahulugan at saysay ng kulay na ito sa pandaigdigang lipunan. Dati bakla, bisaya at jologs ang tawag sayo pag ganitong kulay ang suot mo pero ngayon? Astig ka pre a! Nasa trend porma mo ngayon! Ano ka, nakikiuso?! E ano na nga ba ang nangyari sa Pilipinas pagkatapos ng "Worth Dying for" ni Ninoy at ni Tita Cory? Sa tingin ko ito lang naman ang mga haka-haka ko pagkatapos nangyari... Dumami ang commercials ni Cris? Bakit si Tito Boy nagiging kamukha ni Noynoy? Dahil ba kay Calayan? Hindi na uso ang 3 Stars and a Sun t-shirt ni Francis M? Dumami ang Pink Fences at Urinal System sa EDSA? Marami pa rin ba ang walang trabaho? mga walang matirahan? Walang makain? Yung buwis na binabayaran natin ano na nangyari? sa bangin lang ba napupunta? Dumami ba na ba ang nakakapag-aral ngayon sa taas ng matrikula at gastusin sa eskwelahan? Bumaba ba ang rate ng Krimen sa lansangan? Si The Mask, Dick Tracy, si Annie ng Shaider at Bruce Lee ba maka Cory at Ninoy din? e si Smiley o si Yellow Four kaya? Nabasawan ba ang traffic pagkatapos ng Construction ng Kalsada sa dinadaanan mo? Inaalala ba ng taong bayan kung paano maging isang Ninoy o inaalala ba ng taong bayan kung paano makakakuha ng maraming Ninoy? Hindi na ba tatanggapin ang 500 pesos ngayon pag mag-isa parin siyang nakapangalumbaba? Ano na ba pinagkakaabalahan ngayon ng mga Politiko? Yung Problema mo o yung problema nila? Sa araw-araw na binigay ng Diyos, 3 out of 365 days lang naman natin nararamdaman ang kabusilakan ng kulay dilaw. Kung hindi holiday ng People Power at Ninoy Aquino Day (dadagdag pa siguro yung Cory Aquino Day), e hindi natin magugunita ang ginawang kadakilaan ng Kulay Dilaw na minsan naging simbolo ng Katapangan at Pagmamahal sa Bayan. Hwag sana nating hayaang manaig na naman ang sabi-sabing ang Dilaw ay para sa bakla, jologs, makapili...at higit pa dun, hwag sana nating makalimutan na kalakip ng kulay dilaw ang ginawa nilang sakripisyo...


Sa dilaw nagsimula ang lahat para maaninag ang kulay ng pag-asa para lumaban para sa pagmamahal, pagmamalasakit at katapangan...Para kanino
? para sa mga pasaherong nasakay sa tren at bus, para sa mga napasok sa opisina, para sa mga tambay, para sa mga walang pangarap, para sa mga mahihilig sa kape at softdrinks, para sa mga walang alam kungdi kumain at kumita ng pera, para sa mga nanay, para sa mga tatay, para sa mga anak, para sa mga apo at lalong lalo na para sa IYO... Isang sakripisyo na matindi ang kapalit alang-alang sa bayan at kailanman hindi na mababalik kapag binawi na, at kahit sa mga huling sandali, kapakanan ng nakararami ang kanilang iniisip...Walang iba kung di ang kanilang sariling BUHAY. Sabi nga ni Aristotle, “Yellow-colored Objects appear to be Gold...” Ang dilaw ay galing sa ginto. Kung walang Kulay Dilaw para Lumaban, walang Kulay Gintong natatamasa katulad ng Kalayaan...



--Pagbati para sa pagunita ng Araw ni Ninoy...Salamat sa Laban nasimulan!

P.S. Salamat sa pagiging Cool...Dahil sa inyo naging Trendy ulit ang Dilaw...

Tuesday, August 18, 2009

Ang KAPAL YOU Naman


Sa panahon ngayon, parami na ng parami ang kumakapal. Ano? sino? saan, paano, bakit kumakapal? Di ko alam...Pero nananatiling itong makapal sa anumang aspeto...

Naguuntugan na ang mga ulo ng mga Pilipino dahil sa kumakapal na populasyson na Pilipinas na humantong na sa 92.23 Million ngayong taong 2009. Ang saya di ba? Parang isang bansang Moshpit na umaalon sa Woodstock o di kaya'y isang nasyon na nagheheadbangan sa dami sa pagkaliit-liit na lupang tinatapakan.

Parang lahat ng Pinoy ay kasali sa Parlor Game. Yung laro sa birthday party na kailangan mong tumuntong sa ibabaw ng Dyaryo pagkatapos ng tugtog sa saliw ng awiting "Por his a Dyali Gud Pelo"...Ito yung Paper Dance ala Third World Version...Sa larong iba ang patakaran at pang WorldWide, kumpara sa Kiddie Version na dyaryo lang ang inaapakan at kailangan magtulungan para manalo, pihadong maraming nagkakasakitan nagpapatayan makatungtong lang sa kakapiranggot na maladyaryong bansa. Di bali sana kung dalawa lang kayo, e mahigit siyamnapung milyon ang kaagaw mo...Kaya marami ang na-oout sa laro. pero mas marami ang nasali at nakiki-in...
Mas marami
ang walang matinong trabaho,
mas marami
ang mga holdaper/kidnaper/snatcher/mga nagfafacebook at nagpefriendster at kahit ano pang 'er' na maisip mo.
Mas marami ang mga bata, matanda ang walang makain, masuot at masilungan.

Siyempre yung ibang matatalinong kalahok ay naisip na ito, may gameplan na sila...Yung iba nga nangchecheat para kasali parin (Cortal + Sprite x Contraceptives ^ Abortion =infanticide), mga rule-breaker ika nga...
Mas pasaway,
mas astig, mas pogi/pretty

at mascool...


Kasabay ng pagkakagiliw ng paggawa ng tao ng mga Pinoy sa natural na paraan, kumakapal at yumayabong na ang usok, panghi sa pink cublicle, chewing gum sa upuan ng jeep at iba't ibang klase ng basura na nakahilera sa kung saan saang kahabaan ng Kamaynilaan..lalong lalo na ang pakapal ng pakapal na libag ng katabi mo, na wala ka namang ibang pwede gawin kungdi pansinin dahil sa mahigit dalawang oras mong pagkakatayo sa bus, dahil fiesta na naman ni Santo Epifanio Delos Santos Avenue.

masusuka ka talaga sa alikabok, dungis, at amoy ng mga kalye ngayon na sino ba ang may gawa? dahil ba sa kapal ng grasa ng mamang pulubi na Mala Steve Vai kung magshred sa MRT? Dahil ba sa makakapal na pangangailangan ng mga sidewalk vendors na palagi na lang nakikipaghabulan sa mga may ari ng Pink Fence? Dahil ba sa kapal ng apog ni manong lumabas na walang pangtaas?
e mainit e, pake nyo ba
!...

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit tag-ulan na e, parang mainit parin? Hindi sa panahon yan siguro, nagkataon lang na sabay-sabay umiinit ang mga ulo ng mga Pilipino, kaya feeling mo Summer parin. Kapag pinagdikit-dikit mo mga nagiinitang ulo na yan e pwede ng makabuo ng isang secondary source of light and heat, the SUN which is said to be the center of theSolar System that resides in the heart of the Philippines...

Mainit nga nga kasi dahil rin sa kapal! kapal ng mga billboard na ginamit ng mga politiko na nagpapaalala ng "Mga Minamahal Ko...Pasalamatan Nyo naman ako...Bow..."
Pero pansinin nyo na kadalasang nakatambak pa sa tapat ng tarpaulin ng mga minamahal nating
politiko...sabagay tama naman e,baket? san ba kasi nilalagay ang basura? di ba sa basurahan?

Matalino talaga ang Pinoy, me valid reason pero awkward...Kung hindi ba namang maginit ang ulo mo sa sobrang kapal...Kaso "Hate pollutes the mind" sabi nga, baka mas makapal ang polusyon natin sa galit kesa sa nabanggit ko kaya nacocontrol nila tayo...di kaya?

Kalahating taon at dalawang buwan na ang nakakalipas para sa 2009, Wala pa ang campaign period para sa darating na End of the World este Halalan ng taong 2010, e naglalabasan na ang kaliwa't kanang patalastas ng mga aspiring next leaders ng ating bansa...

Di naman sila sobrang excited di ba?

Para lang sila mga nagpapaala ng "Lalaban tayo...",
"Sipag at Tiyaga lang..",
"Kung ano ang puno yun ang bunga..."
at marami pang iba...

Para lang silang nagmomodel ng Educational/Pension Plans o Memorial Services di ba? Kasi walang produktong ineendorse, katulad ng sabon sa mata, shampoo sa kuko, deodorant na pwedeng toothpaste...

Binebenta kasi nila ang sarili nila sa Publiko para maging mabili at matalo ang pagiging box office yung pelikula dati ni John Lloyd, parang mga pokpok sa Pasay Rotonda o sa Quezon Ave, o parang mga Friends for Sale sa Facebook...Publicity and Marketing Strategy ika nga...

Pagandahan ng commercial,
papogian ng imahe,
padamihan ng props (OFW, batang napadyak at mga namamalengke at kung anu ano pa),
at pabonggahan sa punchline...

Me iba pang raket kung saan babatiin ka kapag nag Anniversary ang organisasyon nyo, nagfiesta sa Barrio nyo, chaka pag may ginagawa silang proyekto sa inyo na hindi matapos tapos, o dahil hindi masimulan?.

Kung di ba naman talaga sila makapal di ba? Makapal ang mga pitaka nila para sa ganitong pag-aaksaya na ayos sa kanila, sa mga 'kaibigan' at 'kamag-anak' galing ang nasabing mga patalastas. Parang defense mechanism din, dinamay pa yung pamilya at kaanak e sa kanila din naman talaga galing... E teka, sigurado ba kayo jan? kasi sabi ng payslip ko, nagbigay ako sa inyo...PARA un sa mga sirang kalsada,
PARA sa pagpapatayo ng paaralan at kabahayan,
PARA sa edukasyon ng mga naghihikahos na kabataan...

kung baga, pampalubag loob lang ng bayan iyan sa mga naglilingkod, ngunit nagiging negosyo at kalarakaran...Minsan iniisip ko na malaki na ba talaga magpasahod ang taong bayan, ngayong nagiging maluho na ang mga nasa kapangyarihan? Ang hardcore pa nito, lantaran na ang nakukuhang benepisyo, incentives at mga bonuses ng mga ito...(Dinner Date sa 5-star resto sa NY, Pork Barrel, Ringside sa laban ni Pacquiao, VIP Pass sa matrapik na kalsada, isama na rin natin ang aircon at mineral water sa Senado at Kongreso...)
Parang buwan-buwan sa kanila ay Pasko, pero kung di ka MAKAPAL at inuuna mo ang SERBISYO PUBLIKO kesa sa KOMERSYALISMO, nako! baka sa karinderya ka lang nanananghalian at di-paypay ka ngayon...


Kaya huwag na siguro tayo magtaka kung bakit nauuso ang MAKAPAL ngayon: MAKAPAL na polusyon, MAKAPAL na populasyon, MAKAPAL na Kapangyarihan ng iilan at kung anu- ano pang KAKAPALAN na problema natin bumabalot sa sistema ng Perlas ng Silanganan.

OO, inaamin ko, nagtuturo ako sa kakapalan nangyayari sa Lipunan, mahirap nga namang ituro ang sarili pagdumating ang panahon at nagkagipitan. E ano pa aasahan mo? Lahat mismo ng mga tao dito sa mundo may kanya-kanyang dahilan ng kakapalan, parang talahiban lang yan e...Kung pagod ka ng magupit ng damo, e di bunutin mo!!! Hwag lang nilang antayin na ang Natitirang KAPAL ng PASENSYA nating mga hinahamak e numipis...at kung mang yari yun...

WASAKAN na, RAK en ROL pa!!!



ang Makapal ang balahibo,

Hulaan nyo...