Tuesday, August 18, 2009

Ang KAPAL YOU Naman


Sa panahon ngayon, parami na ng parami ang kumakapal. Ano? sino? saan, paano, bakit kumakapal? Di ko alam...Pero nananatiling itong makapal sa anumang aspeto...

Naguuntugan na ang mga ulo ng mga Pilipino dahil sa kumakapal na populasyson na Pilipinas na humantong na sa 92.23 Million ngayong taong 2009. Ang saya di ba? Parang isang bansang Moshpit na umaalon sa Woodstock o di kaya'y isang nasyon na nagheheadbangan sa dami sa pagkaliit-liit na lupang tinatapakan.

Parang lahat ng Pinoy ay kasali sa Parlor Game. Yung laro sa birthday party na kailangan mong tumuntong sa ibabaw ng Dyaryo pagkatapos ng tugtog sa saliw ng awiting "Por his a Dyali Gud Pelo"...Ito yung Paper Dance ala Third World Version...Sa larong iba ang patakaran at pang WorldWide, kumpara sa Kiddie Version na dyaryo lang ang inaapakan at kailangan magtulungan para manalo, pihadong maraming nagkakasakitan nagpapatayan makatungtong lang sa kakapiranggot na maladyaryong bansa. Di bali sana kung dalawa lang kayo, e mahigit siyamnapung milyon ang kaagaw mo...Kaya marami ang na-oout sa laro. pero mas marami ang nasali at nakiki-in...
Mas marami
ang walang matinong trabaho,
mas marami
ang mga holdaper/kidnaper/snatcher/mga nagfafacebook at nagpefriendster at kahit ano pang 'er' na maisip mo.
Mas marami ang mga bata, matanda ang walang makain, masuot at masilungan.

Siyempre yung ibang matatalinong kalahok ay naisip na ito, may gameplan na sila...Yung iba nga nangchecheat para kasali parin (Cortal + Sprite x Contraceptives ^ Abortion =infanticide), mga rule-breaker ika nga...
Mas pasaway,
mas astig, mas pogi/pretty

at mascool...


Kasabay ng pagkakagiliw ng paggawa ng tao ng mga Pinoy sa natural na paraan, kumakapal at yumayabong na ang usok, panghi sa pink cublicle, chewing gum sa upuan ng jeep at iba't ibang klase ng basura na nakahilera sa kung saan saang kahabaan ng Kamaynilaan..lalong lalo na ang pakapal ng pakapal na libag ng katabi mo, na wala ka namang ibang pwede gawin kungdi pansinin dahil sa mahigit dalawang oras mong pagkakatayo sa bus, dahil fiesta na naman ni Santo Epifanio Delos Santos Avenue.

masusuka ka talaga sa alikabok, dungis, at amoy ng mga kalye ngayon na sino ba ang may gawa? dahil ba sa kapal ng grasa ng mamang pulubi na Mala Steve Vai kung magshred sa MRT? Dahil ba sa makakapal na pangangailangan ng mga sidewalk vendors na palagi na lang nakikipaghabulan sa mga may ari ng Pink Fence? Dahil ba sa kapal ng apog ni manong lumabas na walang pangtaas?
e mainit e, pake nyo ba
!...

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit tag-ulan na e, parang mainit parin? Hindi sa panahon yan siguro, nagkataon lang na sabay-sabay umiinit ang mga ulo ng mga Pilipino, kaya feeling mo Summer parin. Kapag pinagdikit-dikit mo mga nagiinitang ulo na yan e pwede ng makabuo ng isang secondary source of light and heat, the SUN which is said to be the center of theSolar System that resides in the heart of the Philippines...

Mainit nga nga kasi dahil rin sa kapal! kapal ng mga billboard na ginamit ng mga politiko na nagpapaalala ng "Mga Minamahal Ko...Pasalamatan Nyo naman ako...Bow..."
Pero pansinin nyo na kadalasang nakatambak pa sa tapat ng tarpaulin ng mga minamahal nating
politiko...sabagay tama naman e,baket? san ba kasi nilalagay ang basura? di ba sa basurahan?

Matalino talaga ang Pinoy, me valid reason pero awkward...Kung hindi ba namang maginit ang ulo mo sa sobrang kapal...Kaso "Hate pollutes the mind" sabi nga, baka mas makapal ang polusyon natin sa galit kesa sa nabanggit ko kaya nacocontrol nila tayo...di kaya?

Kalahating taon at dalawang buwan na ang nakakalipas para sa 2009, Wala pa ang campaign period para sa darating na End of the World este Halalan ng taong 2010, e naglalabasan na ang kaliwa't kanang patalastas ng mga aspiring next leaders ng ating bansa...

Di naman sila sobrang excited di ba?

Para lang sila mga nagpapaala ng "Lalaban tayo...",
"Sipag at Tiyaga lang..",
"Kung ano ang puno yun ang bunga..."
at marami pang iba...

Para lang silang nagmomodel ng Educational/Pension Plans o Memorial Services di ba? Kasi walang produktong ineendorse, katulad ng sabon sa mata, shampoo sa kuko, deodorant na pwedeng toothpaste...

Binebenta kasi nila ang sarili nila sa Publiko para maging mabili at matalo ang pagiging box office yung pelikula dati ni John Lloyd, parang mga pokpok sa Pasay Rotonda o sa Quezon Ave, o parang mga Friends for Sale sa Facebook...Publicity and Marketing Strategy ika nga...

Pagandahan ng commercial,
papogian ng imahe,
padamihan ng props (OFW, batang napadyak at mga namamalengke at kung anu ano pa),
at pabonggahan sa punchline...

Me iba pang raket kung saan babatiin ka kapag nag Anniversary ang organisasyon nyo, nagfiesta sa Barrio nyo, chaka pag may ginagawa silang proyekto sa inyo na hindi matapos tapos, o dahil hindi masimulan?.

Kung di ba naman talaga sila makapal di ba? Makapal ang mga pitaka nila para sa ganitong pag-aaksaya na ayos sa kanila, sa mga 'kaibigan' at 'kamag-anak' galing ang nasabing mga patalastas. Parang defense mechanism din, dinamay pa yung pamilya at kaanak e sa kanila din naman talaga galing... E teka, sigurado ba kayo jan? kasi sabi ng payslip ko, nagbigay ako sa inyo...PARA un sa mga sirang kalsada,
PARA sa pagpapatayo ng paaralan at kabahayan,
PARA sa edukasyon ng mga naghihikahos na kabataan...

kung baga, pampalubag loob lang ng bayan iyan sa mga naglilingkod, ngunit nagiging negosyo at kalarakaran...Minsan iniisip ko na malaki na ba talaga magpasahod ang taong bayan, ngayong nagiging maluho na ang mga nasa kapangyarihan? Ang hardcore pa nito, lantaran na ang nakukuhang benepisyo, incentives at mga bonuses ng mga ito...(Dinner Date sa 5-star resto sa NY, Pork Barrel, Ringside sa laban ni Pacquiao, VIP Pass sa matrapik na kalsada, isama na rin natin ang aircon at mineral water sa Senado at Kongreso...)
Parang buwan-buwan sa kanila ay Pasko, pero kung di ka MAKAPAL at inuuna mo ang SERBISYO PUBLIKO kesa sa KOMERSYALISMO, nako! baka sa karinderya ka lang nanananghalian at di-paypay ka ngayon...


Kaya huwag na siguro tayo magtaka kung bakit nauuso ang MAKAPAL ngayon: MAKAPAL na polusyon, MAKAPAL na populasyon, MAKAPAL na Kapangyarihan ng iilan at kung anu- ano pang KAKAPALAN na problema natin bumabalot sa sistema ng Perlas ng Silanganan.

OO, inaamin ko, nagtuturo ako sa kakapalan nangyayari sa Lipunan, mahirap nga namang ituro ang sarili pagdumating ang panahon at nagkagipitan. E ano pa aasahan mo? Lahat mismo ng mga tao dito sa mundo may kanya-kanyang dahilan ng kakapalan, parang talahiban lang yan e...Kung pagod ka ng magupit ng damo, e di bunutin mo!!! Hwag lang nilang antayin na ang Natitirang KAPAL ng PASENSYA nating mga hinahamak e numipis...at kung mang yari yun...

WASAKAN na, RAK en ROL pa!!!



ang Makapal ang balahibo,

Hulaan nyo...



No comments:

Post a Comment