

Sa France, ang pintuan ng mga kilalang nambabackstab ay pinipinturahan ng dilaw na kulay; Sa Espanya naman sapilitang pinagsusuot ng dilaw na damit ang mga biktima ng Inquisition; mga taong nagbibigay ng maling opinyon, umuusig at mga kumokondena sa turo at doktrina ng Romano Katoliko. Para silang cheering squad ng LA LAKERS habang pinapahirapan, pero atleast naka uniform sila bago mamatay...


"Republic of the Philippines Productions presents: The 24 Yellow Pitbulls and 250 Yellow Bulldogs..."
Swak na swak dito yan sa Pinas, kasi marami dito sa mga politiko natin ang naglilipatan ng partido pagkatapos nilang siraan kung saan sila galing. Parang aso nga, pag sumuka e kakainin din nila yung mga sinabi magkaroon lang ng bagong amo at makasali lang sa bagong grupo o partido...Mga "chuchu" at "tuta" sa madaling sabi. Pero itong mga aso na ito e may mga pinagaralan, matataas ang estado sa buhay hindi lang basta sit, stand, roll over at play dead forever ang natutunan nila. Pero hindi sa Pinas uso ang duwag, backstab, walang pagtitiwala at trayduran ng kulay ng Dilaw. Ang kulay na ito ay busilak at nagniningning nang ito'y ginamit na simbolo ni Ginoong Ninoy Aquino na siyang sinundan ng kanyang butihing asawa na si Corazon Aquino habang sila'y nakikipaglaban paras a karapatan ng bawat Pilipino at para sa kinabukasan ng bayan. Sila ang mga taong nagbigay ng ibang anyo sa dilaw na karuwagan. At hindi lang itong sinasabi ko ha? slight differenceVast at huge difference talaga ito...As in big deal...Kasi, nakilala ang katapangan ng kulay dilaw at hinangaan sa ano mang panig ng mundo.
Wala naman silang supernatural powers para mahalin sila ng mga libo-libong Pilipino diba? Mas astig pa sila kay Superman, Batman, Spiderman, Kumander Bawang, at Petrang Kabayo. Kasi yung mga yun, mga nahihiyang ipakilala ang mga tunay na sarili, tinatago ang tunay na pagkatao (nagdidisguise para daw hindi madamay yung mga mahal nila sa buhay...e kilala naman sila ng mga kalaban nila personally...di ba malaking katangahan yun?)Mga peke, kathang isip-lang kasi...Pero yung mag-asawang Aquino...Totoo, hindi drawing, walang bahid ng kasinungalingan at kamalabisan. Simple at payak na lider pero pinaglalaban ang katwiran... Saksi ang lahat sa matinding pakikidigma nila alang-alang sa Bayan. At pati ang dalisay nilang pagmamahalan sa isa't isa at sa bansa ay sadyang kahanga hanga. Sabi nga...
"they are only simple people who were involved in extraordinary events and circumstances.."
Ang hirap nun at napakaimposible di ba? Kasi naiba nila Ninoy at Cory ang kahulugan at saysay ng kulay na ito sa pandaigdigang lipunan. Dati bakla, bisaya at jologs ang tawag sayo pag ganitong kulay ang suot mo pero ngayon? Astig ka pre a! Nasa trend porma mo ngayon! Ano ka, nakikiuso?! E ano na nga ba ang nangyari sa Pilipinas pagkatapos ng "Worth Dying for" ni Ninoy at ni Tita Cory? Sa tingin ko ito lang naman ang mga haka-haka ko pagkatapos nangyari... Dumami ang commercials ni Cris? Bakit si Tito Boy nagiging kamukha ni Noynoy? Dahil ba kay Calayan? Hindi na uso ang 3 Stars and a Sun t-shirt ni Francis M? Dumami ang Pink Fences at Urinal System sa EDSA? Marami pa rin ba ang walang trabaho? mga walang matirahan? Walang makain? Yung buwis na binabayaran natin ano na nangyari? sa bangin lang ba napupunta? Dumami ba na ba ang nakakapag-aral ngayon sa taas ng matrikula at gastusin sa eskwelahan? Bumaba ba ang rate ng Krimen sa lansangan? Si The Mask, Dick Tracy, si Annie ng Shaider at Bruce Lee ba maka Cory at Ninoy din? e si Smiley o si Yellow Four kaya? Nabasawan ba ang traffic pagkatapos ng Construction ng Kalsada sa dinadaanan mo? Inaalala ba ng taong bayan kung paano maging isang Ninoy o inaalala ba ng taong bayan kung paano makakakuha ng maraming Ninoy? Hindi na ba tatanggapin ang 500 pesos ngayon pag mag-isa parin siyang nakapangalumbaba? Ano na ba pinagkakaabalahan ngayon ng mga Politiko? Yung Problema mo o yung problema nila? Sa araw-araw na binigay ng Diyos, 3 out of 365 days lang naman natin nararamdaman ang kabusilakan ng kulay dilaw. Kung hindi holiday ng People Power at Ninoy Aquino Day (dadagdag pa siguro yung Cory Aquino Day), e hindi natin magugunita ang ginawang kadakilaan ng Kulay Dilaw na minsan naging simbolo ng Katapangan at Pagmamahal sa Bayan. Hwag sana nating hayaang manaig na naman ang sabi-sabing ang Dilaw ay para sa bakla, jologs, makapili...at higit pa dun, hwag sana nating makalimutan na kalakip ng kulay dilaw ang ginawa nilang sakripisyo...
Sa dilaw nagsimula ang lahat para maaninag ang kulay ng pag-asa para lumaban para sa pagmamahal, pagmamalasakit at katapangan...Para kanino? para sa mga pasaherong nasakay sa tren at bus, para sa mga napasok sa opisina, para sa mga tambay, para sa mga walang pangarap, para sa mga mahihilig sa kape at softdrinks, para sa mga walang alam kungdi kumain at kumita ng pera, para sa mga nanay, para sa mga tatay, para sa mga anak, para sa mga apo at lalong lalo na para sa IYO... Isang sakripisyo na matindi ang kapalit alang-alang sa bayan at kailanman hindi na mababalik kapag binawi na, at kahit sa mga huling sandali, kapakanan ng nakararami ang kanilang iniisip...Walang iba kung di ang kanilang sariling BUHAY. Sabi nga ni Aristotle, “Yellow-colored Objects appear to be Gold...” Ang dilaw ay galing sa ginto. Kung walang Kulay Dilaw para Lumaban, walang Kulay Gintong natatamasa katulad ng Kalayaan...

--Pagbati para sa pagunita ng Araw ni Ninoy...Salamat sa Laban nasimulan!
P.S. Salamat sa pagiging Cool...Dahil sa inyo naging Trendy ulit ang Dilaw...

No comments:
Post a Comment